mga banat ni Bob Ong


  1. Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon.
  2. Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko.
  3. Ayokong masanay sa mga bagay na pwede naman wala sa buhay ko.
  4. Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo.
  5. Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo.
  6. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
  7. Ang tao aminado naman yan sa ksalanan nila. Pero kung lalo mo pang ipapamukha sa kanila na mali sila, lalo mo lang silang binibigyan ng dahilan para iwan ka.
  8. Kung madami kang dapat gawin pero wala kang gingawa, hindi katamaran ang dahilan nun….may iniisip ka lang
  9. Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
  10. Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.
  11. Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
  12. Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
  13. Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.
  14. Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.
  15. Ayokong makita mo akong nahihirapan kasi baka mas masaktan ako pag nakita kong wala kang pakialam.
  16. Walang taong manhid. Hindi nya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo syang diretsuhin.
  17. Kung di ka kayang suklian ng taong minamahal mo, siguro ay wala talaga syang barya kaya wag kang magbibigay ng buo.
  18. Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala siya sayo eh. Kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.
  19. Kung iiwas ka, hindi ka tatamaan. Pero kung nakita mong tatamaan ka pero hindi ka umiwas, wala kang karapatang umaray pag nasaktan ka.
  20. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
  21. Kahit na anong bagal ng paglakad mo, kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka talaga nya maabutan. Kahit na mag- stop over ka pa.
  22. Kung hindi mo mahal ang isang tao. Wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ang isang tao.
  23. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.
  24. Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal.
  25. Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.
  26. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
  27. Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
  28. Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.
  29. Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
  30. Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
  31. Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
  32. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
  33. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
  34. Paano mo makikita yung taong para sa’yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa’yo.
  35. Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo.

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.” -Bob Ong

This entry was posted in Lahing Makabayan and tagged , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to mga banat ni Bob Ong

  1. donnalyn says:

    i like bob ong books,,VERY MUCH!!

  2. selle Ü says:

    i love stainless longganisa !🙂 ♥

  3. yut says:

    ,,very touching yung iva…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s